PILIPINO ASSOCIATION OF WORKERS AND IMMIGRANTS

OPEN LETTER TO ALL MY KABABAYAN

 

Delivered by a PAWIS member at the 2020 PSONA
Philippine Consulate, San Francisco USA
July 27, 2020

 

Magandang Hapon po sa inyong lahat! Ako ay isang myembro ng Pilipino Association of Workers and Immigrants o PAWIS. Ako ay isang proud na caregiver dahil ang pagiging-caregiver ang bumuhay sa aking anak at pamilya sa Pilipinas. Tiniis ng mga migranteng manggagawa na tulad ko ang mawalay sa aming mga mahal sa buhay kahit sa mahabang panahon dahil sa kakulangan ng oportunidad sa ating bansa.

Dugo at pawis ang puhunan namin sa pagtatrabaho dito sa America. Ngunit sa kabila nito, marami sa sa mga migrante ang nata-traffic at karamihan ay naging biktima ng wage theft na tulad ko. Akala ng iba kung nasa Amerika kana, masarap ang buhay. Hindi lang nila alam kung gaano kahirap ang dinaranas ng maraming Filipino dito. At ang mas masaklap, kahit inaabuso ang mga manggagawang migrante sa mga host countries tulad ng America, walang paki-alam ang gobyerno ng Pilipinas sa amin. Oo, inaamin ko, ibinoto ko si Duterte dahil sa kanyang pangako’ng pagbabago. Ngayon, may nababago na ba sa mga buhay ng mga mahihirap sa Pilipinas? May nabago na ba sa kalagayan ng mga migrante sa ibang bansa na nangangailangan ng tulong? Nagsisisi na ako dahil sa isang boto, boto na napunta sa mga pangakong napako. Tulad na lang ng sinabi ni Duterte noong 2017, “he will never lift a finger” para tulongan ang mga undocumented workers America na ginigipit ni Trump. Nassan ang pusong makatao at maka-Pilipino ni Duterte? Undocumented man ang mga manggagawang Pilipino pero hindi sila inutil. Nakakatulong sila ng malaki sa bayan dahil dagdag ang pinapadala nilang pinaghirapang dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas.

Maraming dumadaing, marami pang migrante ang nangangailangan ng tulong. Tuloy na bang nagbingibingihan ang administrasyong Duterte sa kanila? Wala namang pakialam si Duterte sa mga migrante. Kahit pa sumipsip sa gobyerno sa social media ang iba pang mga migrante na hanggang ngayon ay Dutertards pa rin. Nasaan ang tulong? Nasaan ang ayuda? Daan-daang mga OFWs ang napauwi dahil sa pandemic at na-stranded sa mga airports. Daan-daang seafarers din ang na-stranded sa mga barko. Marami na ring mga OFWs ang nag-suicide dahil sa kawalan ng pag-asa sa panahon ng pandemya. Dito sa US, ang mga J1 workers na ginawang mga cheap labor o utusan lang sa mga kusina ng mga hotels ay wala ring natanggap na tulong mula sa gobyerno ng Pilipinas ng sila ay tinanggal at ina-bandona ng kanilang mga amo sa nagsarang mga hotels. Ngayon sa panahon ng COVID, ang mga caregivers ay mga frontliners. Kami rin ay nababalot ng takot at nababahala dahil mataas ang posibilidad na maari kaming ma-infect dahil na rin sa ganitong klaseng trabaho. Nandyan pa ang kawalan ng PPEs at hindi naman nagbibigay ng health insurance ang mga may-ari ng carehomes. Mararami rin sa mga caregivers na matatanda at may underlying conditions. Ngunit mas lalong nagpapabigat sa kalooban namin ang nangyayari sa aming mga pamilya at komunidad sa Pilipinas na hanggang ngayon ay walang mass testing. Nasa ilalim pa rin ng enhanced quarantine at hindi sila makalabas ng basta basta. At ngayon nandito ang Anti-Terror Law na pansindak ni Duterte sa mga mamamayan upang takutin at hindi na magreklamo sa kanyang inutil na pamamalakad sa gobyerno.

Nasaan ang pangako ng pagbabago? Tayo lang pala ay ginagago! Si Duterte ay traydor ng sambayanang Pilipino. Traydor sya ng mga migrante. Nabalewala lang ang aking boto! At ngayon, gusto nya tayong patahimikin sa pamagitan ng Anti-Terror Law. Ito lang ang masasabi namin bilang mga mangagawa dito sa US — gagawin namin ang aming papel para suportahan ang pakikibaka ng mga maggagawa sa Pilipinas at nang buong sambayang Pilipino laban sa diktadurya ni Duterte! Patuloy kaming mag-iinggay laban sa Anti-Terror Law at patuloy naming abutin ang iba pang mga migranteng Pilipino at ipamulat sa totoong kalagayan ng ating bansa.

LABAN LANG MIGRANTE! MAKIBAKA, HUWAG MATAKOT!

Share this:

Like this:

Like Loading...
%d bloggers like this: